PNoy sa China: Panahon nang magnegosyo sa PHL

ITO na ang tamang panahon upang magtayo ng mga negosyo sa Pilipinas ang mga negosyante sa China.

Ito ang mensahe ni Pangulong Aquino sa 500 negosyante sa ginanap na Philippines-China Trade Forum ngayon (Miyerkules, Agosto 31).

Tiniyak ng Pangulo na magiging “northern gateway” na ang Pilipinas sa taong 2015 sa oras na maitatag ang ASEAN Economic Community.

“We want even more of our people to work with you towards partnerships that are mutually beneficial… The time to open that gateway together is now,” ayon sa Pangulo.

Nakikipag-ugnayan na umano ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Trade and Industry (DTI) sa mga gobernador at mga lokal na opisyal sa Pilipinas para bumuo ng mga ordinansang umaayon sa pambansang batas para mapadali ang pagnenegosyo sa mga lalawigan.

Kasabay nito, todo pasasalamat ang Pangulo sa mga negosyanteng Chinese sa kanilang mga investment sa Pilipinas, lalo na sa Mindanao.

Tinukoy nito ang $23-million na inilagak sa public work projects sa rehiyon na may potential maging “food basket” ng bansa.

Samantala, hinimok naman ni  Trade Undersecretary Cristino Panlilio ang mga Chinese businessmen na makibahagi sa Public-Private Partneship ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply