PNoy tinimbang ngunit kulang sa petrolyo

ANO na ang ginagawa ng Department of Energy sa kakatiting na oil price cut o reduction ng mga kompanyang langis?

Dalawa ang nakakuha ng ating atensyon nitong nagdaang mga araw bilang reaksyon sa tila panloloko ng mga kompanya ng langis kay Juan.

May isang organisasyon ng dyipni draybers en opereytors na gustong magsampa ng demanda laban sa pagsasamantala ng mga kompanya.

Sa isinubo naman ni PNoy na mga priority bills o panukalang batas, ni anino ng ukol sa langis ay wala.

oOo

Alam ba ninyo, Suki, ang ating napansin?

Ni ha ni ho ay naringgan ang diyaskeng DOE, maging ang kalihim nitong si Sec. Rene Almendras, ukol sa nais na aksyon ng mga nasa transportasyon.

Wala rin ni anino nito na makita para magsulong kahit pag-amyenda man lang sa batas sa langis na Oil Deregulation Law.

Naringgan naman ang boses ng DOE noon ukol sa panukala nitong hindi bababa sa P2 kada litro ang dapat pagbaba ng presyo ng langis at nagbanta pa itong mananagot ang mga hindi tutugon dito.

Pero nang magbigay ang mga kompanya ng langis ng hanggang P1.60 lamang, tumahimik na ito nang tuluyan.

Naglahong parang bula ang paninindigan ng DOE at para itong Poncio Pilato na nagsabing bahala na ang Department of Justice sa kanila.

Ano ba ang nangyayaring ito, Pangulong Noynoy?

Manhid na ba talaga ang iyong pamahalaan, maging ang iyong mga tauhan, sa iyak ni Juan habang naghihirap sa kuko ng mga buwitre sa lipunan?

oOo

Ansolisited adbays lang, PNoy: nawawalan na nang saysay ang sinasabi po ninyong

“Kayo ang Boss ko. Pakonsuelo de bobo na lang po yata ang mga salitang yan!”

Dito ka tinitimbang ngunit labis na kulang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply