PNP sasailalim sa ‘criminal investigation course’

BILANG paghahanda sa kasanayan sa larangan ng imbestigasyon, inihayag ni Deputy Provincial Director for Operation P/Supt. Alex Ofanel na magsisimula na ngayong Agosto at matatapos sa Oktubre ang “criminal investigation course” ng Philippine National Police (PNP).

Ang kurso ay para sa 45 police investigators mula sa iba’t ibang istasyon ng pulis sa lalawigan at Quezon Provincial Public Safety Company (QPPSC).

Sinabi naman ni Police Senior Supt. Fausto Manzanilla Jr., ng Regional Investigation and Detection Management Branch na mayroon lamang 700 police investigators sa buong Calabarzon  kaya  kailangang mapalakas ang kanilang kakayahan sa paghawak ng iba’t ibang uri ng kaso.

May 476 police investigators pa ang nakalinyang sumailalim din sa nasabing kurso sa huling quarter ng taong kasalukuyan.

Ayon pa kay Manzanilla, umaasa siya na sa pamamagitan ng pag-aaral ay higit na mapataas ang kalidad ng police investigators sa paghawak ng mga kaso.

Ayon pa kay Manznilla, nararapat din na mapahalagahan nila ang pagbibigay ng serbisyo sa mga taong nangangailangan nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply