Police protection sa mamamahayag hiniling

HINILING ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III kay Pangulong Noynoy Aquino na mabigyan ng police protection ang mamamahayag partikular ang mga may death threat kasunod na rin ng insidente ng pamamaril sa isang radio boardcaster sa Iloilo.

Kasabay nito, agad na kinondena ni Pimentel ang ginawang pagpatay kay Neil Aranga Jimena, radio broadcaster ng DYRI-RMN kamakalawa ng gabi sa naturang lalawigan.

“I condemn in the strongest possible terms the latest assault against press freedom,” ani Pimentel.

Napag-alaman din na ito ang ika-9 mamamahayag na napatay sa ilalim ng administrasyong Aquino kung kaya marapat lamang na bigyan ang mga ito ng “full protection” ng Philippine National Police.

“I appeal to President Aquino to instruct the PNP to provide adequate security to media personalities who may have incurred the wrath of powerful and influential people through hard-hitting commentaries in both print and broadcast media,” giit ni Pimentel.

Pinaalalahanan din ng senador na noong panahon ng Arroyo adminsitration, umaabot sa 107 mamamahayag ang napatay kabilang ang karumal-dumal na Maguindanao massacre noong 2009 at ngayon tuluy-tuloy pa ang insidente ng pamamaslang dahil lamang sa pagbubulgar ng mga kabulukang ginagawa ng mga nasa pamahalaan.

Gayunpaman, tutol si Pimentel na armasan ang mga mamamahayag, mas naniniwala siyang proteksyon mula sa mga awtoridad na may sapat na kasanayan ang mas nararapat na ibibigay para mabantayan ang mga nasa media.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply