Police tourist inalerto ng PNP ngayong long weekend

INALERTO ng Philippine National Police (PNP) ang mga tourist police ngayong long weekend.

Bukod sa Sabado at Linggo, ay walang pasok sa Lunes at Martes (Agosto 29-30) na itinakdang holiday ng Malakanyang dahil sa paggunita ng National Heroes Day at Eidl Fitr o katapusan ng Banal na Buwan ng Ramadan.

Ayon kay PNP spokesman Agrimero Cruz, Jr., magtatalaga ng mga pulis na magpapatrulya sa mga matataong lugar partikular na sa Boracay, Bohol at Cebu dahil inaasahan na dadagsa ang mga turista dahil sa mahabang bakasyon.

May mga pulis din na roronda sa mga shopping malls na inaasahang pupuntahan ng mga tao para maglibang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply