Police visibility epektibo vs carnappers

PINATUNAYAN ng mga awtoridad mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na itinalaga sa junction area ng Barangay Lower Bicutan, Taguig City na mabisa pa rin ang “police visibility” upang lansagin ang modus operandi ng mga kawatan ng sasakyan.

Galak na nagpasalamat noong Huwebes ng hapon, Agosto 18, ang isang negosyante na nakilalang si Mateo V. Nollin, Jr. na tinangayan ng isang white Mitsubishi L300 na may engine no. 4D56A-J7110 at chasis no. PAELAO39PYXB-O21217.

Sinabi ng biktima na ang kanyang sasakyan ay nawala bandang alas-4:00 ng madaling araw ilang sandali matapos niya itong ihimpil sa harap ng Johnson and Johnson Factory sa Edison Road ‘di kalayuan sa kanilang bahay.

Dahil sa nangyari agad na ginalugad ng biktima ang mga lugar na posibleng pagdalhan ng kanyang sasakyan hanggang sa makasagap siya ng balita mula sa mga RPSB personnel ng NCRPO na may natagpuang sasakyan ang mga ito na nakahimpil sa panulukan ng MLQ Avenue at Trans Gas Trucking, Barangay Lower Bicutan.

Sa ulat nina PO1 Charlie Constantino, PO1 June Oligario at PO1 Ceasar Formentera, Jr. ay agad na nakipag-ugnayan ang mga ito sa Intelligence and Anti-Carnapping operatives ng Taguig upang siyasatin ang natagpuang sasakyan.

Agad na naibalik sa biktima ang behikulo matapos siyasatin ng mga awtoridad ang mga ipinakita nitong papeles. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply