Pondo sa pork barrel marami; sa dengue, kakaunti

SA tagal ng pananalasa ng dengue sa repablik ni Juan, dapat nang may malalim na kaalaman ang mga onorabol.

Wataymen, ukol sa mga gamot laban sa sakit.

Bakuna at gamot ang dapat na pag-aralan ng husto ng mga onorabol at hindi lamang paraan para mapigilan ang pagdami ng lamok-dengue.

oOo

Para maisagawa ito, dapat na maglaan ang pamahalaan ng sapat na pondo para rito.

Kung nakapaglalaan ang pamahalaan ng bilyon-bilyong pisong pork barrel para lang sa nasa 300 na mambabatas na yang kumikbak lang naman ang namber wan sa interes dito sa halip na pablik serbis, bakit hindi ito makapaglalaan ng bilyon-bilyong piso para sa pagtuklas ng mga gamot?

Hindi pupuwedeng iasa na lamang sa mga pribadong indibidwal o kompanya ang paghahanap ng lunas sa sakit na ito.

Dapat alalahanin ng pamahalaan na daan-daang katao ang namamatay at libo-libong pamilya ang biktima ng sakit taon-taon.

Malaking perhuwisyo sa buong bayan ang ganitong kalagayan.

Pati ang gobyerno ay napeperhuwisyo rin gaya ng pagbubuhos ng malaking halaga rito sa ilalim ng state of calamity.

oOo

Oo nga pala, nasaan na yung dengue trap na sinasabing naimbento ng Department of Science and Techonolgy?

Tinotoo ba ng DOST ang naiisip nito na pupuwede nilang ibahagi ang kaalamang ito sa mga pribadong kompanya para makagawa rin ang mga ito at mapalaganap nang todo ang dengue prebensyon?

O laway lang ang lahat diyan? Dahil sa pag-iikot natin sa maraming barangay, ni anino ng imbensyon na yan ay hindi makita.

Kung nasa kamay na yan ng mga negosyante, baka napakamahal naman at hindi na kayang bilhin ni Juan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply