Pondo sa repatriation ng OFWs sa Syria tiniyak

SINIGURO ng pamahalaan na may sapat na pondo ang gobyerno kaugnay sa ipinatupad na Alert Level 3 o voluntary repatriation para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Syria.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), aakuin ng gobyerno ang lahat ng gastos para sa pag-uwi ng mga kababayang nais umalis ng nasabing rehiyon, sa harap ng umiigting na kaguluhan.

Una rito, nanawagan si DFA Sec. Albert del Rosario sa mga kababayan sa Syria na tumugon sa apela ng gobyerno na lumikas na sa nasabing bansa.

Inatasan na rin umano ng kalihim ang Philippine Embassy sa Damascus na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga Filipino communities para mahimok ang mga ito na umuwi na muna sa Pilipinas.

Ayon sa DFA, mayroong 17,000 Filipinos ang naka-base at nagtatrabaho sa Syria.

Samantala, muling nagpaalala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga kababayang nagbabalak na magtungo pa sa Syria na ipagpaliban muna ang kanilang biyahe.

Ani POEA administrator Carlos Cao, nakahandang tumulong ang pamahalaan sa mga kababayan kahit pa undocumented o iligal ang pagpasok ng mga ito sa nasabing bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply