Poor maintenance sanhi ng mga aberya sa MRT

NAKAHANAP na ang Department of Transportation and Communication (DOTC) ng remedyo upang matigil na ang sunud-sunod na aberya ng Metro Rail Transit (MRT) system nitong mga nagdaang linggo, ayon kay Tranportation Secretary Manuel “Mar” Roxas.

Ayon kay Roxas, ang short-term measures ay sangkot ang DOTC engineer supervising maintenance teams, habang magkakasa ng isang bidding para sa maintenance services sa unang bahagi ng 2012.

“Nagpatawag tayo ng pulong noong nakaraang linggo at natuklasan natin na ang dahilan kung bakit umaaberya ang mga train ng MRT ay medyo mahina ang maintenance. Pukpukin natin ang maintenance na maging preventive imbes na curative lamang,” anito.

Sinabi ni Roxas na ang long-term solution ay bukas sa bidding ng MRT maintenance service kapag ang  kasalukuyang kontrata ng kontraktor ay mapaso sa first quarter ng 2012.

Aniya, inatasan na niya ang departamento para makahanap ng bagong new terms of reference para sa mga participants sa bidding process.

Pero ibinasura agad ni Roxas ang suhestiyon na sibakin ang mga kasalukuyang maintenance crew at sinabing sa kasalukuyan ay hindi ito kailangan.

Sa kabilang dako, ang short-term solution aniya ay iaatas sa isang team ng DOTC engineers para siyang tumingin sa maintenance work.

“I assembled a team of engineers and personnel to supervise the maintenance crews and point out to them what needs to be done,” dagdag pa ng kalihim. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply