Pork barrel ipinabubuwag

INIREKOMENDA ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na buwagin na lamang ang pamamahagi ng prok barrel.

Ani Casiño, bukod sa napupulitika ito ay nagagamit lang aniya ng Malakanyang ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel bilang panakot sa mga mambabatas.

Sa halip ay isinulong ng kongresista na isama at mai-detalye na lang sa ilalim ng taunang budget ang lahat ng proyekto ng mga kongresista at senador upang mabura ang kasalukuyang sistema na tanging ang mga mambabatas lamang at Department of Budget and Management (DBM) ang nakakaalam ng paglalaanan ng pork barrel.

Inamin din ni Casino na matapos ang limang taon na hindi siya nakatanggap ng pork barrel noong Arroyo administration, nakuha na niya ang kanyang alokasyon para sa kalahati ng 2011 na nagkakahalaga ng P35 milyon piso.

Samantala, ibinunyag din ng kongresista ang umano’y plano ng Malacañang na itago mula sa pagbusisi ng Kongreso ang mga nilalaman ng automatic appropriations na nakapaloob sa P1.8 trilyon na proposed National budget para sa susunod taon.

Giit nito na umaabot sa mahigit sa P723 bilyon o halos kalahati ng proposed budget ang inilalaan sa automatic appropriations kayat nais ni Casino na magpaliwanag ang Malacañang dahil patakaran umano nito sa mga isinusumiteng proposed budget ng palasyo na nagre-reflect sa national expenditure program ang halaga na magagastos para sa debt service payments, internal revenue allotment, duties at taxes at special accounts.

Subalit sa datos umano na isinumite ng Palasyo ay hindi makikita sa isinumiteng panukalang budget ng Palasyo sa 2012 at lumalabas na sinadya umano ito para hind mabusisi ng mga kongresista ang tunay na nilalaman ng budget taliwas sa pangako nitong magkakaroon ng transparency sa ilalim ng Aquino administration.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply