PPA-Batangas sabit sa smuggling

TILA, walang magawa si Commissioner Angelito Alvarez tungkol sa namamayagpag pa ring operasyon ng smuggling sa Bureau of Customs.

Ang tagal na nito sa puwesto, pero, pakiwari natin, hindi nakamit ni Pangulong Noynoy Aquino ang inaasahan kay Alvarez.

Noong una, kung isalarawan ito aba’y magaling daw at siguradong titino ang mga ‘gago’ diyan sa Aduana, pero teka lang.

Tila, nagkamali si PNoy dahil  imbes na maglaho, lalong tumindi pa raw ang smuggling nang si Alvarez na ang BOC bossing.

Dahil lumalakas ang smuggling, lumalakas din ang panawagan na magbitiw na lang sa puwesto ang binansagang ‘golf cheater’.

Pero sa kabila ng panawagan, dedma lang ang Palasyo. Tanong tuloy ng marami – baka daw namamaniobra ni ES Jojo Ochoa.

Eh kasi, di ba’t ang ugong sa Aduana eh ang pangalan ng ‘little president’ ang ipinapangalandakan ng mga smuggler. Kaya siguro!

Sino nga ba naman ang kikilos kung ang babanggain mo eh makapangyarihan sa Malacañang. Baka kung saan ka pulutin!

Kung sa BOC, wala na talagang maaasahan si Mang Juan. Baka puwede nating tawagan ng pansin si DOTC Sec. Mar Roxas.

Bakit si Mar Roxas.

May nagbulong kasi sa atin na puwede niyang gamitin ang mga tauhan ng Philippine Ports Authority laban sa smuggling.

Pero, ayon  sa ating informant, kailangan din ang balasahan sa PPA para maging makatotohanan ang paglaban sa smuggling.

Dahil, ang PPA officials na nakatalaga sa kasalukuyan sa mga puerta sa buong bansa ay mga alipores na rin ng smugglers.

Ibig sabihin, sila’y kasama na sa payroll ng mga smuggler.

Ginawang halimbawa ng informant ang Batangas Port kung saan iniulat na puerta kung saan naglaho ang libong container van mula sa MICT.

Sa mga container na ito, bilyon ang nawalang buwis na para sana sa kaban ng bayan, ayon pa sa informant ng Chokepoint.

Yan ay tip ng ating informant kay Sec. Mar Roxas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply