PhilPost maniningil na ng service fee sa SC

IPINAHAYAG ng Philippine Postal Corporation (PPC) na maniningil na sila ng service fee sa Supreme Court sa mga ipapadalang sulat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nakasaad sa 2 pahinang liham ni Postmaster General Atty Antonio de Guzman kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona na hindi na kakayanin ng Philpost na isustene ang pribelehiyo ng Korte Suprema na malibre sa pagbabayad ng ipinapadalang court notices sa pamamagitan ng koreo.

Magugunita na sa ilalim ng Executive Order 207 na inisyu ni dating Pangulong Corazon Aquino, ang mataas na hukuman ay mayruong “franking privilege”upang mapabilis ang pagpapadala ng mga court notices lalo na sa mga malalayong lugar.

Idinaing ni de Guzman sa Punong mahistrado na problemado na sa budget ang Philpost dahil patuloy na bumababa ang bilang ng mga gumagamit sa kanilang serbisyo lalo pa at makabagong teknolohiya na ang ginagamit ngayon gaya ng e-mail, text message at internet.

Sinabi ni de Guzman na malaki ang kanilang ginagastos sa pagpapadala ng mga sulat na sakop ng pribelehiyo ng Korte Suprema dahil binabayaran nila ang Philippine Airlines para sa air conveyance cost.

Dahil dito hindi na malilibre ng Philpost ang Korte Suprema sa mga ipinapadala nitong mga liham sa Visayas, Mindanao at ilang bahagi ng Luzon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply