PRC nakaalerto pa rin sa mga nasalanta

KAHIT nakalabas na ng bansa ang bagyong Mina ay nakaalerto pa rin ang mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC) para sa pagbibigay ng relief, welfare at medical assistance sa mga biktima ng bagyo.

Ayon kay PRC Secretary General Gwendolyn Pang, anim na staff at 15 volunteers ang nakikipag-ugnayan sa mga local government units sa Isabela para sa pamamahagi ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo habang patuloy ding minomonitor ng red cross ang lebel ng tubig sa Cagayan River at ang posibleng flashflood na idulot nito kung sakaling umapaw.

Sa Benguet ay naglagay na rin ang PRC ng welfare desk at first aid station sa Tadiangan, Tuba at Puguis Elementary School para tumulong sa mga biktima ng trash slide.

Nagbigay din ng rapid assessment, relief at welfare asssitance sa mga naapketuhan ng bagyo sa mga bayan ng Bauang, Caba, Aringay and Agoo sa La Union.

Tumutulong na rin ang grupo sa mga nasalantang residente ng Pangasinan at Dagupan City na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers sa Mangaldan, San Jacinto at San Fabian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply