Pre-emptive evacuation sa Albay ikinasa na

NAKAKASA na ang pre-emptive evacuation sa mga residente ng limang barangay sa Polangui, Albay ngayon (Huwebes. Agosto 26).

Kaugnay ito sa pananalasa ng bagyong Mina sa Polangui na ngayon ay lubog na sa tubig baha.

Ayon sa mga residente ayaw na rin nilang maulit ang naranasan noong bagyong Juaning na umabot hanggang leeg ang tubig baha.

Samantala, sa Isabela, inalerto na rin ang mga residente dahil sa paghagupit ng bagyong Mina.

Pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga naninirahan sa coastal towns sa Isabela na lumikas sa mas mataas na lugar upang makaiwas sa posibleng flashflood.

Kanselado na ang pasok sa mga paaralan sa lahat ng level sa lalawigan ng Isabela ngayong araw na ito.

Dakong alas-kwatro ng madaling araw nang magsimulang maramdaman ang kakaibang hangin at buhos ng ulan na dala ng bagyong Mina.

Tiniyak ng Provincial Risk Reduction and Management Council ang kahandaan sa pagbayo ni Mina sa lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply