Presyo ng gasolina tataas na naman

KAHIT katatapos lamang ng rollback sa presyo ng gasolina, nakatakda namang itaas na naman ang presyo nito sa susunod na linggo.

Sinasabing aabot sa P1.54 ang itataas sa gasolina, habang 56 sentimos naman sa diesel.

Sinabi ni Energy Usec Jay Layug, na sa ngayon ay wala pa silang magagawa sa nakatakdang pagtataas sa presyo ng gasolina.

Samantala sa kaugnay na balita, naniniwala naman si Transportation Sec. Mar Roxas na napapanahon na para itaas naman ang singil sa pasahe sa MRT.

Ngunit sisiguruhin niya aniya na ang taas sa pasahe ay mapupunta sa pagbili ng piyesa at maintenance ng MRT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply