Presyo ng LPG itinaas ng piso kada kilo

NAGTAAS ng P1 kada kilo o P11 sa bawat 11 kilogram na tangke ang liquified petroleum gas (LPG) ng Shell, kaninang hatinggabi.

Ayon sa ulat ng dzMM, nagtaas ng presyo ng Shellane bandang 12:00 ng hatinggabi bunsod ng pagmahal ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Kaugnay nito, hindi naman nag- abiso ang mga kumpanya ng langis kung kailan sila magro-rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Matatandaang iginiit ng Department of Energy (DOE) ang pagro-rollback ng P2 kada litro sa presyo ng petrolyo sa mga kumpanya ng langis bago sumapit ang Lunes bunsod ng pagbagsak ng presyo ng krudo sa world market matapos i-down grade ang credit rating ng Estados Unidos.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply