Presyo ng LPG tumaas na naman ng piso

TUMAAS na naman ng piso kada kilo ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG).

Ito’y dahil pa rin sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kung saan pumalo sa halagang $870 kada metric ton ng LPG mula sa $843 noong Hulyo.

Una nang nagtaas ang Pilipinas Shell noong Biyernes at sinundan ng Petron at Total Philippines na nagtaas naman noong Sabado ng umaga.

Bago pa magtaas ang presyo, nagkakahalaga ang isang 11-kilo LPG ng P655 hanggang P733 depende sa uri at lugar ng pagbebentahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply