Presyo ng sardinas tataas

NANGANGANIB na tumaas ang presyo ng de-latang sardinas dahil sa pagpapa-iral ng fishing ban sa Zamboanga.

Ito ay bunga ng maagang pagpapairal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng fishing ban para sa isdang tamban sa karagatan ng Zamboanga sa Nobyembre.

Sa halip na Disyembre, agad na isasalya na sa Nobyembre ang fishing ban upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga isdang tamban na magparami.

Dahil dito, inaasahang kukulangin ang suplay ng isdang tamban na ginagamit sa paggawa ng sardinas na magreresulta naman sa pagtaas ng halaga nito.

Kaugnay nito, pinangangambahanng pagsamantalahan ng mga illegal importer ang mga Filipino sa pamamagitan ng pag-aangkat ng peke o expired na mga produkto galing sa ibang bansa na maaaring presyuhan ng mas mababa sa pamilihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply