Price hike sa sardinas tuloy na

LALONG titindi ang problema ng consumers sa tuluy-tuloy na pagtaas sa presyo ng sardinas at iba pang produktong de lata sa merkado.

Ang abiso ng mga manufacturers para sa dagdag presyo ng sardinas ay umabot na sa kaalaman ng Department of Trade and Industry (DTI).

Inihayag ng mga manufacturers na nasa P0.25 hanggang P0.40 kada lata ang ipapataw na dagdag-presyo.

Ang ibang brand ay sa Setyembre 1 pa ang umento pero may ilan namang nagtaas na noong Agosto 1 kaya umalma ang DTI.

Tiniyak naman ng mga supermarket owner na hindi nila itataas ang presyo hangga’t walang “go signal” sa DTI.

sabi ni Atty. Federico Ples, vice president ng Philippine Association of Supermarkets, Inc., posibleng lumala pa ang sitwasyon dahil inagahan ng gobyerno sa Nobyembre and “fishing ban” o pagbabawal ng
panghuhuli ng isdang tamba para bigyan ng pagkakataon ang pangingitlog ng mga isda.

“A research study was conducted and they moved it because of climate change,” pahayag ni Abdukahil Manick, officer-in-charge ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Kaugnay nito ay umalma ang mga negosyanteng may pagawaan ng sardinas sa Zamboanga dahil hindi umano sila kinunsulta at kakapusin sila ng panahon para maka-imbak ng tamban.

Bukod sa presyo at suplay, pinangangambahan ding mawalan ng trabaho ang 30,000 manggagawa na nakasandal sa industriya ng sardinas sa Zamboanga. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply