Price hike sa sigarilyo iminungkahi

NANAWAGAN ngayon ang anti-smoking health group sa pamahalaan na itaas ang presyo ng mga sigarilyo bilang bahagi ng istratehiya upang hindi itong kayang bilhin ng mga bata.

Sinabi ni Jo-Ann Latuja ng Health Justice na isa sa pinakamapanganib na kadahilanan na humihikayat sa mga bata upang manigarilyo ay ang napakamurang halaga ng sigarilyo sa Pilipinas

“Ang isang stick ng sigarilyo ay nagkakahalaga ng P2.50 halos kapareho ng isang bar na kendi, o kaya ay mas mura pa,” ani Latuja, isang research associate din sa University of the Philippines School of Economics.

Binigyang diin din niya ang pangangailangan upang itaas ang buwis ng sigarilyo na matagal ng ginagawa sa maraming bansa kagaya ng Thailand at Singapore.

Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) at World Bank na ang buwis sa sigarilyo ay dapat mabuo ng hindi bababa sa 70 porsiyento (may value added tax) ng presyo sa tingian.

Ipinakita sa mga pag-aaral na nababawasan ang bilang ng mga young-adult smokers ng 3.5 porsiyento sa bawat 10 porsiyentong pagtaas sa tunay na presyo ng sigarilyo at nababawasan ang bilang ng mga bata na naninigarilyo ng anim o pitong porsiyento.

Ang lahat ng mga rekomendasyong ito ay matatagpuan sa Taxing Health Risks, isang policy paper na inakda ng mga abugadong sina Deborah Sy at Irene Reyes, at Latuja ng Health Justice at lawyer Marvic Leonen ng UP College of Law. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply