Prime Rate, Cheese Mosa rarampa sa Lakambini race

MAGLULUTSAHAN ang anim na babaeng 3-year-old horses sa magaganap na 2011 Lakambini Stakes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa Linggo, Agosto 28.

Ang mga kasali sa event na nakataya ang P1.2 milyon guaranteed prize ay sina Cheese Mosa, Coal Harbour, Constatic, Ikaw Ha Ikaw Ha, Kitty West at Prime Rate.

Inaasahang bebenta sa takilya ang beterano na sa labang si Cheese Mosa subalit ayon sa mga eksperto ay magiging open race ito dahil kasama dito ang mga nagkampeon sa bawat leg ng Hopeful Stakes ngayong taon.

Ang banderistang si Constatic ang nanalo sa unang leg ng Hopeful Stakes, sinundan ni Cheese Mosa sa second leg, at si Prime Rate sa third leg.

Na-upset ni Constatic ang llamadong si Cheese Mosa pati na si Tensile Strength (ang kampeon ng third leg sa Triple Crown Series) at kasali rin si Coal Harbour na pumanlima.

Umakyat na sa malaking laban si Constatic pagkatapos ng kanyang panalo.

Rerendahan ni many time Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year Patty Ramos Dilema si Cheese Mosa, si star jockey Jonathan Basco Hernandez naman ang gagabay kay Prime rate habang si reigning two time PSA JoY Jessie Basilio Guce ang sasakay kay Coal Harbour.

Sina class A riders Val R. Dilema at JPA Guce ang papatong kina Ikaw Ha Ikaw Ha at Kitty West ayon sa pagkakasunod.

May distansyang 1,800 meter race ang tatakbuhin kung saan ay P720,000 ang premyo ng mananalong kabayo.

Nakalaan din ang P270,000, para sa second placer, sa tersero ay P150,000, at P60,000 sa fourth placer na bukas lamang sa mga local horses.

Magsusubi din ng P50,000 ang breeder ng winning horse. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply