Produksyon ng bigas sa Biliran inaasahang tataas

INAASAHANG tataas ang produksyon sa bigas at kita ng mga magsasaka sa fifth class municipality ng Cabucgayan, Biliran sa sandaling makumpleto ang rehabilitasyon ng communal irrigation system (CIS) at ang farm-to-market road sa naturang lalawigan.

Ayon kay Biliran Agrarian Reform Officer Elisea Orapa, ang rehabilitation work ng National Irrigation Administration (NIA) ay nagsimula nitong nakalipas na buwan at inaasahang makukumpleto sa loob ng tatlong buwan.

Ibinigay na halimbawa ni Orapa ang ginagawa ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na 1.7-kilometro na farm-to-market road sa Sitio Kasabangan na 562 meters nito ay konkreto para mapadali ang pagbiyahe ng mga produkto sa kanayunan patungo sa palengke.

Ayon naman kay Eliasem Castillo, Regional Director ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Eastern Visayas ang naturang proyekto ay kortisiya ng Japan International Cooperation Agency-Agrarian Reform Infrastructure Support Project (JICA-ARISP) ay makakatulong para mapadoble ang naaaning produkto sa kanayunan na magiging benipisaryo ang mga magsasaka sa Balaquid Agrarian Reform Community (ARC).

Idinagdag pa ni Castillo ang dalawang proyekto ay nagkakahalaga ng P8 milyon at ang local government unit ay nagbigay ng 50 percent bilang kanyang counterpart equity.

Ayon naman kay Ismael Aya-ay, hepe ng Beneficiaries Development Coordinating Division (BDCD) ng DAR-Biliran tinatayang 60 sa 530 Agrarian Reform Community (ARC) sa ARC ay direktang magbebenipisyo mula sa irrigation project habang 1,686 residente nito at kalapit na baryo ay mabebenipisyuhan ng farm-to-market road.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply