Profit sharing sa employers-employee isinulong

IPINANUKALA sa Kamara ang pagkakaroon ng profit sharing sa pagitan ng employers at mga empleyado.

Nanawagan din si 2nd district Northern Samar Rep. Emil Ong sa kapwa niya mambabatas na agad aksiyunan ang panukalang naglalayong maipatupad ang paghahati ng kita o profit sharing sa pagitan ng manggagawa at employer.

Ayon kay Ong, chairman ng House Committee on Labor and Employment, may akda ng House Bill 4972, kung sakaling tuluyang maisabatas, maaari nang makihati ang mga empleyado sa limang porsiyento ng netong kita ng kumpanya kung saan namamasukan maging ito man ay regular na manggagawa, nanunungkulan bilang manager, bisor at maging ang mga nasa ranks in  file.

Ayon pa kay Ong, nakasaad sa panukala na nasasakop nito ang lahat ng kumpanya o negosyo maging ito man ay korporasyon, partnership, o single proprietorship.

Paliwanag ni Ong, ang profit sharing scheme ay makatutulong upang mapaunlad ang kakayahang bumili ng isang manggagawa na makakatulong naman upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa.

Ayon pa sa mambabatas, naniniwala siya na sasang-ayunan ng mga nagmamay-ari ng kumpanya ang panukalang ito dahil ito ay maibabawas naman sa binabayarang buwis ng employer.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply