Pruweba ng matatag na relasyong Pinas at Tsina

ALAM ba ninyo na mahigit 2,000 OFW sa Beijing ang sumalubong sa state visit ni Pangulong Noynoy Aquino sa China at patunay ito ng matatag na relasyon ng dalawang bansa?

Sa pagpapatotoo ni Charge d’Affaires ad Interim Alex Chua  ng Philippine Embassy sa Beijing,  masayang sinalubong ng mga Filipino roon si PNoy. Malinaw itong indikasyon ng klaro at matatag na ugnayan ng dalawang bansa. Sa kabila ng ilang isyung bumabalot sa relasyon ng mga bansang ito, kapwa  nangako ang dalawa na higit pa nilang patitindihin ang pagkakaibigan at pagtutulungan.

Si PNoy ay mananatili sa People’s Republic of China mula Aug 30 hanggang Sept 3, 2011, alinsunod sa imbitasyon ni Chinese President Hu Jintao. Ang tema ng pagbisita roon ni PNoy ay “peoples-centered partnership” na magtatampok sa ilang dekada nang pagkakaibigan ng mga bansang Pilipinas at China at isulong ang mas mabuting unawaan ng mga ito.

Ito ang unang pagbisita ng Pangulo sa PROC mula ng siya ay mahalal na Pangulo.

Bukod sa Beijing, pupunta rin si PNoy sa Shanghai at Xiamen. Sasamantalahin  na rin ni PNoy ang pagkakataon na makaharap niya ang mga Filipino na nakabase sa Beijing.

Abala si PNoy – Punum-puno ng aktibidad ang limang araw na pagbisita sa PROC ni Aquino sa Tsina. Layon ng pagbisita niya na mapalakas at mapatatag pa ang halos tatlong dekada nang pagkakaibigan at mutually beneficial relations’ ng Pilipinas at China.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, umaasa rin si PNoy na sa pagbisita nito na maisulong ang ‘people-centered partnership’ na magtutulak para sa maraming hanapbuhay, negosyo, media, culture, education at tourism exchange ng Pilipinas at China.

Magkakaroon din ng meeting si PNoy kay Chinese Vice Premier Wang Quishan na susundan ng pagtatalumpati niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply