PSALM pinaiimbestigahan sa Kamara

DAHIL sa panibagong naka-ambang pagtaas ng singil sa kuryente ay pinaiimbestigahan na ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa Kongreso ang Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM).

Ani Colmenares, naghain na sila ng resolusyon sa House energy committee upang siyasatin ang mga sinasabing dahilan ng dagdag-singil sa kuryente.

Nais na mabatid ni Colmenares kung bakit tila ipinababalikat ng PSALM ang bilyong pisong pagkakautang nito maging ang mga bonus at perks ng kanilang executives sa mga konsyumer

Sinabi ng mambabatas na nakapagbenta na ng assets ang PSALM para ipambayad-utang pero parang hindi naman nababawasan ang naturang utang.

Binigyang diin din ni Colmenares na bubusisiin nila kung bakit isinasama sa systems loss ang electric consumption ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na ipinapasa sa mga konsyumer gayong naisapribado na ito.

Una rito ay naghain ng resolusyon sina Eastern Samar Rep. Ben Evardone, Negros Occidental Rep. Alvee Benitez at Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, upang maimbestigahan sa Kongreso ang PSALM.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply