Publiko binalaan sa ‘nakagagamot na tubig’

BINALAAN ng Department of Health ang publiko laban sa mga nagtitinda ng  mineral water na sinasabing nakakagamot ng iba’t ibang sakit.

Ayon sa Food and Drug Administration (FDA) naglabas na sila ng advisory noong August 9 sa publiko na walang katotohanan ang water products  na may alkaline, ionized, pi, at oxygenated at energized water.

“Huwag ho kayong maging biktima, at para malaman niyo ho kung talagang yan ay approved ng FDA (Food and Drug Administration), pumunta kayo sa website (www.doh.gov.ph),.

Sinasabing ang nasabing mga produktong tubig ay nakakagamot ng ibang mga sakit at nakakapagpahaba ng buhay na pawang walang katotohanan at walang basehan .

“Ang malungkot dito eh ang galing nila sa marketing. Talagang may mga testimonial, na gumaling, bumata. Naku wag ho kayong magiging biktima po.”

Ani Tayag wala aniyang inaaprubahan FDA Center for Device Regulation, Radiation Health and Research (CDRRHR) at sinasabing ang mga produktong tubig ay nakakagamot.

“Ang Center for Device Regulation, Radiation Health and Research ng FDA ay yun ang nagbibigay ng certificate of health related devise registration, kasama na yang mga water purification devices, nakalista po sa website kung ano yung aprubado.” pahabol ni Tayag. ALEX CHING

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply