Publiko ‘di dapat maging kampante sa bird flu

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na hindi dapat makampante sa bird flu sa kabila ng hindi pa nakapapasok ang naturang virus sa bansa.

Ayon kay DOH Program Director For Emerging Disease Dr. Lyndon Lee Suy na kahit minsan ay wala pang naitatalang may bird flu sa bansa subalit kailangan parin ang ibayong pag – iingat dahil sa nananatili pa rin ang banta nito.

Pinaalalahanan din ni Lee Suy ang publiko na maging maingat at agad magpatingin sa doktor kung may nararamdamang hindi maganda sa katawan lalo na at madami ang usong sakit.

Bagama’t wala pang naitatalang kaso ng bird flu sa bansa ay hindi nila ibinababa ang alerto laban sa avian influenza.

Aniya, bird flu-free pa ang bansa pero nagpasabi na umano si Health Secretary Alberto Ona na higpitan ang pag-i-screen sa mga pasaherong galing sa bansang may bird flu.

Dagdag pa ni Ona, malayo ang pagkakapareha ng panibagong pandemic na H5N1 sa A(H1N1).

Aniya, limitado umano ang hawa sa tao ng H5N1 o sa person-to-person transmission hindi tulad sa H1N1 na maraming tao ang namatay sa nasabing epidemya. Sapat din umano ang stock ng Tamiflu sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply