Pugot na bangkay natagpuan sa Rizal

RIZAL—Halos bumaligtad ang sikmura ng mga residente ng isang subdivision sa bayan ng Rodriguez nang madiskubre nila ang bangkay na walang ulo at mga kamay Martes ng umaga.

Ang bangkay ay nakitang nakapaloob sa isang itim na garbage bag dakong alas-6:00 ng umaga sa Pinatubo st., Amityville Subd., Barangay. San Jose ng nasabing bayan.

Ilang metro naman ang layo ay nakita ang dalawang kamay nito subalit ang ulo ay hindi pa natatagpuan.

Ayon sa mga residente, nangangamoy ang garbage bag kaya’t inakala nilang basura ang laman nito na naiwan ng mga trak ng basura.

Nang buksan nila ang garbage bag ay tumambad sa kanila ang bangkay na walang ulo at mga kamay.

Ang bangkay ay pansamantalang dinala sa Rizal PNP Crime Laboratory para sa kaukulang awtopsiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply