‘Pukpokang’ KTV Club at Spa sa Pasay

SA kabila ng mabuting hangarin ni Pasay City Tony Calixto na linisin ang lungsod ng mga iligal na aktibidades  — tulad ng illegal gambling at droga — marami pa rin ang nagmamatigas at mukhang sadyang sinusukat ang pa-giging pasensyoso ng butihing alkalde.

Heto at nagsasamantala ngayon ang mga nagmamay-ari ng mga KTV-club at mga health spa sa Pasay City na lingid sa kaalaman ni Mayor Calixto ay nagiging lantarang pugad ng prostitusyon.

Iligal at hindi na tugma ang lisensiya o business permit ng mga establisimyentong ito kung pagbabasehan ang kasalukuyang takbo ng kanilang mga negosyo. Sa madaling salita, hindi “clean fun and relaxation” kundi “unlimited sex” ang alok ng mga ito sa kanilang mga kostumer.

Nauna ko nang tinukoy ang mga club sa Edsa international entertainment complex na balitang may mga menor-de-edad na hostess; ang Wildriver sa Rotonda; at Volcano sa Taft Avenue malapit sa Libertad St. Ang iba pa ay ang Farenheight, East Asia at Enigma sa Roxas Boulevard; ang Big Papa sa Tramo; ang Richman’s sa F. B. Harrison St.; ang Granada KTV sa Hong Kong Sun Plaza sa Macapagal Boulevard; ang Beirut at Viva Maria sa Park Avenue corner EDSA, at ang panghuli ay ang mga “spa-tot” at “spa-kol” gaya ng Lapu-Lapu (dating Magellan) sa Buendia; ang Sunios, Ice & Fire at Skyline, na pawang makikita sa HK Sun Plaza rin sa Macapagal Boulevard.

Isang empleyado ng lokal na pamahalaan ang itinuturong “protektor” at nagpapakulekta ng lingguhang “tong” sa mga iligal na establisimyentong ito.

Nagbukas na rin ang ipinasarang Miss Universal ng wanted na negosyanteng si William Sy at inupahan ng lang ng grupo ng kaibigan nating si ex-Manila Councilor Erick Valbuena. Iba na ang gagamiting pangalan ng nasabing lugar. Pure fun and entertainment lang daw ang magiging forte ng show dito — walang bold, gimik at bar fine.

Abangan natin kung ano ang magiging kilos nina Mayor Calixto at Senior Supt. Napoleon Cuaton, hepe ng Pasay City police, laban sa mga prostitution den na ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply