Pulis: Korap na, bayolente pa

MAGKASABAY na nabubunyag, Suki, ang mga depekto ng pulisya. Korap at bayolente.

Perpek eksampol ng kakorapan ang pagbili ng mga ito ng ukay-ukay na helikopter para sa kanilang pagpapatrulya laban sa krimen.

Ito yung kinakalkal na iskam sa Senado.

Lumabas naman ang katakut-takot na hazing na isinasagawa sa mga training camp ng mga parak.

Sinisilihan na ang bunganga ng mga ito, pinaghuhubo’t hubad pa na parang mga hayop saka tino-tortyur.

Dahil sa mga nagaganap na ito, sino ang magtitiwala sa mga pulis, huh?

oOo

Nasisira ang imahe ng pulisya na nakatatak sa kanilang mga patrol car at istasyon dahil sa mga nasabing gawain.

Ang tatak: To Protect and to Serve the People.

Paano makapagpoprotekta at makapaglilingkod kay Juan ang isang korap at torturer?

Kaya naman, hindi dapat sisihin si Juan kung wala itong amor sa mga pulis…. Kung bakit todo iwas siya sa mga pulis kung nakikita niya sila hanggang sa mapagbintangan siyang may kahina-hinalang kilos.

At ang ending, poposasan siya patungo sa kulungan o kaya sa salbeyds erya na peborit na puntahan ng mga taga-punerarya na kakutsaba ng mga pulis.

Para sila kumita sa porsiyento sa piyansa at kamatayan ni Juan.

oOo

Paano kaya lilinisin ang hanay ng pulisya?

Isang mabigat na tanong ito, Suki, dahil klaro ang ibig sabihin ng mga balitang korapsyon at pagiging bayolente ng mga pulis.

Korap ang mga opisyal samantalang nananakit at nanalbeyds ang mga tauhan nila.

Anu-ano kaya ang mga gagawin upang matutunan ng mga pulis ang mga tunay na diwa ng pagpoprotekta at paglilingkod?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply