Pulis na holdaper pa

NALILITO ang ating mga mahal na kababayan ng Lipa City, Batangas dahil sa nangyayari sa mga kubrador ng small town lottery (STL) at kapulisan.

Walang inatupag ang mga aso nitong bagong hepe ng Lipa City PNP na si Supt. Francisco Rodriguez kundi manakot at mangotong.

Nangako umano ang butihing meyor na si Meynard Sabili ng Lipa City na susugpuin ni Rodriguez ang laganap na nakawan, patayan at droga sa lugar, pero bago yan eh kukuha muna ng panggastos ang mga Doberman niya na nasa Lipa intel office sa pang-haharass at panghuhuli ng mga lehitimong empleyado ng STL, mga kababayan natin na nakababad sa ulan at initan makakolekta lang sa mga umaasang mananaya gamit ang ID, papel at bolpen galing sa Batangas Enhanced Technology System o BETS na mas kilala natin bilang STL.

Manghuhuli umano ang mga doggie na ito tapos gugutumin sa nerbiyos at pagod ang abang mga empleyado at pagkatapos maghirap ng ilang oras ay palalayain at ibibigay ang mga gamit at papel na gamit sa hanapbuhay.

Pero teka, asan yung mga pera na kinuha rin nila? Hehehehepe..asan nga ba?

Pakitanong mo nga ang mga bata mo baka “nabukulan” ka na.

Nitong nakaraang Biyernes, nanghuli naman ang mga bata ni Supt. Ronquillo ng Batangas Provincial Public Safety Company ng mga lehitimong empleyado rin ng BETS.

Bukis daw, (pero may ID). Sir, ano ba ang basehan ninyo sa bukis at STL? Nagtatanong lang.

Bakit ninyo pinawalan nang walang kaso? Nagkamali lang ba? Sana naibalik naman yung pera.

Heto po ang pangalan ng mga bida: si SPO2 Alexander Yema (Present!) at si SPO1 Enrico Tapalla (Present!) ng Lipa PNP Intelihensya (Intelligence) Opis.

Ano kaya ang sasabihin ng mabait na Batangas Provincial Director na si Supt. Rosauro Acio kapag nalaman niya na may pulis sa nasasakupan niya na ganito ang trabaho?

Ang masakit nito, makararating pa sa Regional Director ng Region 4 na si Gen. Gil Meneses ang kagaguhan ng mga ilang pulis sa Lipa. Masisipag ang mga ito bossing, doble ang trabaho – ANG MAMULIS AT MANGHOLDAP!

Tamaan sana kayo ng bumabagsak na helikopter!!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply