Pulis nambugbog ng selosang misis

WANTED ngayon ang isang pulis matapos ireklamo ng pananakit ng kanyang misis na kanyang binugbog dahil sa pagseselos sa Caloocan City, Lunes ng hapon.

Kinilala ang pulis na si PO2 Emilio Recto, 33, ng Talipapa, Caloocan City at nakatalaga sa Caloocan City Police.

Sa reklamo ni Beulah Recto, 30, dakong 2 ng hapon, kinausap niya ang kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay matapos may magsabi na may kinalolokohan bebot ang pulis.

Nagalit ang suspek hanggang sa sakalin, pilipitin ang kamay at itulak ang asawa na naging dahilan upang masugatan, magkabukol at magkapasa ang biktima.

Matapos ang insidente ay umalis ang suspek habang nagpunta naman sa presinto ang biktima upang magreklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply