Pulis sa Pinas walang kaparis

NAGING panauhing pandangal ang Pangulong Aquino sa ika-110 anibersaryo ng PNP – Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City.

Ipinangako ni PNoy ang modernisasyon ng PNP upang makatugon sa inaasahang serbisyo ng taumbayan.

Bibili ng mga bagong equipment at hindi segunda mano.

Ang mga supplier na kakutsaba ang utak wang-wang sa PNP ay blacklisted at hindi na bibigyan  ng negosyo sa kapulisan.

Pinapurihan ni PNoy ang katapangan at kagitingan ng PNP sa pagtatanggol sa police station sa Agusan del Sur laban sa karahasan at paghahasik ng takot ng NPA – New Peoples Army.

At ang lakas ng loob ng isang pulis na nagligtas sa buhay ng isang bata nang holdapin ang isang bus.

Ang lahat ay ginagawa ng gobyerno upang tulungan ang kapulisan – tulad ng pagkakaloob ng mga tahanan at wastong pag-aaral ng kanilang mga anak.

Marami sa ating mga pulis ang tapat sa kanilang tungkuling pangalagaan ang kaayusan at katiwasayan.

Pero sa kagubatan ng mga pulis ay gumagala ang maraming ahas.

Ang kamandag ay lumalason sa paniniwala na ang pulis ay tagapagtanggol ng bayan.

Isang police officer ang nakita sa video na pinahihirapan ang umano’y holdaper sa Tondo – walang saplot sa katawan, nakagapos at nakahiga sa malamig na semento ng presinto.  Totoong na-dismissed ang police officer na ngayon ay iniulat na nagtuturo pa sa isang kolehiyo.

Ang mga member ng 1st.

Manuever Company ng Regional Public Safety Battalion ng Calabarzon, nakita rin sa video na pinahihirapan ang mga bagong recruit na pulis.

Ang mga recruit ay hindi naman oragon na Bicolano, pero, isinubo sa bunganga ang isang tambak na sili at ipinahid pa sa puwit ng mga trainee.

Maliwanag ang itinatadhana ng batas laban sa torture at hazing at pulis ang dapat magpatupad nito. (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply