Pulis sabit sa panghoholdap sa Malabon

PINAGHAHANAP ng mga pulis ang isang kabaro at tatlong hindi pa nakikilalang kasama nito matapos ireklamo ng panghoholdap ng babaing kalugar ng una sa Malabon City Huwebes ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si PO1 Ollan Alexis De Guzman, nasa hustong gulang ng Sulukan St., Hulong Duhat ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Elizabeth Ochoa, 44, ng Sulukan St., dakong ala-una ng madaling araw, naglalakad siya kasama ang isang kaibigan sa M. H. Del Pilar St., Maysilo ng nasabing lungsod nang tabihan ng isang kotse lulan ang mga suspek.

Isa sa mga suspek ang bumaba at lumapit kay Ochoa sabay tutok ng baril at hinatak papasok sa kotse.

Sapilitang kinuha ni De Guzman ang P3,500 ng biktima na nakalagay sa bulsa bago pinababa si Ochoa.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang nagpunta naman sa presinto ang biktima at nagreklamo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply