Pulis, sibilyan binaril sa Makati

NILALAPATAN ng lunas ang isang pulis at kasama nitong sibilyan nang pagbabarilin ng tatlong lalaki kaninang madaling araw Agosto 24, sa Makti City.

Ang mga biktima na nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ay kinilalang sina PO2 Mark Teli de Laza, 30, miyembro ng Police Security and Protection Group (PSPG) na tinamaan ng balas at kamay at paa, at Joan Villorente na tinamaan ng balas a dibdib at pisngi

Batay sa paunang ulat, ang insidente ay naganap kaninang alas 3:30 ng madaling araw sa Barangay Pembo, Makati City.

Sa panayam kay Sheryl, asawa ni PO2 De Laza, papauwi na sa kanilang lugar ang kanyang mister matapos manggaling sa isang kasiyahan kasama ang dalawang kaibigan nang abangan ng tatlong armadong lalaki.

Binanggit pa ng maybahay ng pulis na nagawang tanungin ng biktimang si Villorente ang isa sa mga suspek na nag-aabang pa malapit sa kanyang bahay, at dahil sa bagong mukha, ay tinanong pa nito kung ano ang sadya at sinabi lamang na may inaantay lang na kasamahan.

Dito na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril  at sa kabila ng nagawang makaputok din ng pulis ay nakatakas ang mga suspek at iniwanan ang mga itong sugatan.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply