Pulis todas sa aarestuhin sa Antipolo

PATAY ang isang pulis matapos barilin sa dibdib habang nagse-serve ng warrant of arrest sa isang suspek sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City chief of Police P/Supt. Rodino Elfa ang biktima na si PO3 Cornillo Berano, nakatalaga sa Rizal-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Naaresto naman ang suspek na si Edelburge Limin, ng Blk.18, Lot 17, Ponte Verde Royal Subdivision, Brgy. Cupang, nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1:30 ng hapon kanina kung saan ay nagse-serve ng warrant ang biktima kasama ang iba pang CIDG Police.

Nabatid na pagkatok ng biktima sa pintuan ng bahay ng suspek ay bigla na lamang nagpaputok ang huli at nasapol ang biktima.

Agad na isinugod ang biktima sa Amang Rodriguez Medical Hospital sa Marikina City pero agad siyang binawian ng buhay.

Ang suspek ay pansamantalang nakakulong sa lock-up jail ng Antipolo PNP habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply