Pulis utas sa flying kick ng inawat na sundalo

PATAY ang isang police sergeant matapos rumesponde sa isang rambulan sa resto bar makaraan magpakawala ng flying kick ang inaawat na sundalo sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigasyon and Detection Unit, kinilala ang biktima na si SPO1 Reynaldo Mateo,47, may-asawa, nakatalaga sa QCPD Police Station 7 Cubao at residente ng 101 Evangelista Avenue, Santolan, Pasig CIty.

Si Mateo ay agad isinugod ng kanyang mga kabaro sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) subalit idineklara itong dead on arrival dahil sa malubhang tama ng sipa sa bayag.

Agad namang inaresto ng mga tauhan ng Cubao Police station ang suspek na si Staff Sargeant Dominador Aguilar, 33, binata, miyembro ng Philippine Air Force (PAF), ng Doroteo Extension Santolan, Pasig City.

Maliban kay Aguilar, inaresto din ng mga pulis ang mga sangkot sa rambulan na si Noli Villafuerte, 35, may-asawa ng Makati City; at ang nagrereklamo ring sina Alexis Perez, 35,supervisor ng Maria Corp at residente sa Bacoor Cavite; at Elmer Guiral,42,may-asawa, sales area supervisor sa Sampaloc Manila.

Sa imbestigasyon ng QCPD Cubao Police Station 7, naganap ang insidente sa Padi’s Point Bar and Restaurant sa Araneta Center, Barangay Socorro, Cubao, QC 2:00 ng madaling araw kanina.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, si Aguilar ay kasama ni Villafuerte sa loob ng bar, habang sina Perez at Guiral naman ay  nasa ibang grupo kung saan nagkaroon ng rambulan sa pagitan ng dalawang grupo nang magkainitan sa dance floor ng naturang bar.

Ilang saglit, nakarating sa naturang himpilan ng pulisya ang insidente na nirespondehan naman nina SPO2 Mateo at mga kasamahan ang lugar at inabutan pa nila ang kaguluhan.

Nang lapitan ni SPO2 Mateo ang sundalo na si Aguilar para awatin ay agad itong nagpakawala ng flying kick at tinamaan sa bayag ang una na kanyang ikinamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply