Miting ni PNoy sa MILF lider sa Japan kinumpirma

KINUMPIRMA ni GRP Peace Panel Chief Negotiator Dean Marvic Leonen ang pakikipagpulong ni Pangulong Benigno Aquino III sa lider ng Moro Islamic Liberation Front  (MILF) na si Chairman Al Haj Murad kagabi na ginanap sa Japan.

Ito ay upang isulong ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng naturang grupo at pamahalaan.

Positibo ang gobyerno na maganda ang kalalabasan ng pakikipagpulong ni PNoy para sa usaping pangkapayapaan sa nasabing grupo dahil na rin sa dalang sensiridad ng Pangulo.

Ginawa ang miting sa Japan makaraang siguruhin ng nasabing bansa ang seguridad ng Pangulo lalo at ang pulong  ay hindi opisyal.

Kasama ni PNoy sa informal meeting sina Peace Adviser Teresita Deles, Defense Sec. Voltaire Gazmin, National Security Adviser Cear Adviser, Budget Sec. Butch Abad, Finance Sec. Cesar Purisima, Presidential Spokesman Edwin Lacierda at Peace Panel chairman Marvic Leonen.

Pero tanging sina Murad, Pangulong Aquino lamang umano ang note-takers habang nasa loob ng meeting room.

“Both agreed that the implementation of any agreement should happen within the current administration. Both agreed to fast track the negotiations,” ani Leonen.

Inihayag ni Leonen na mismong si Pangulong Aquino ang nag-initiate ng pulong matapos magsumite ang gobyerno ng sarili nitong agenda sa peace talks.

Walang nakatunog na mamamahayag sa ‘secret meeting’ ng Pangulo sa Tokyo lalo pa’t may inilabas silang schedule ng mga meetings na inaasahang sa Palasyo sana gaganapin ngayong araaw.

Pabalik pa lamang si Pangulong Aquino ngayong araw.

Magugunitang August 4, 2008 naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa MOA-AD na isinulong ng unang administrasyon at eksaktong tatlong taon din kahapon, August 4, 2011 nangyari ang ‘secret meeting.’

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply