Puno, Razon, babalatan sa PNP chopper scam

BABALATAN ng Senate Blue Ribbon Committee sina dating Interior Secretary Ronaldo Puno at dating Philippine National Police (PNP) chief Director-General Avelino Razon ukol sa maanomalyang bentahan ng lumang helicopter sa PNP.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa PNP chopper scam, inatasan ni Sen. Teofisto Guingona III ang secretariat na imbitahan sina Puno at Razon kabilang ang iba pang miyembro ng National Police Commission (Napolcom) na nag-apruba sa technical specifications ng mga helicopter na umaangkop sa pag-aari ni dating Unang Ginoong Jose Miguel “Mike” Arroyo.

Si Puno ang chairman ng Napolcom nang aprubahan ang specifications ng mga biniling helicopter ng PNP noong 2009 sa halagang P105 milyon.

Ipinalabas ang kautusan matapos matuklasan ni Sen. Franklin Drilon na “tila itinugma” ang pagtatakda ng technical specification na inaprubahan ng Napolcom para ang mga helicopter ni Arroyo ang bilhin ng PNP.

“Only the Robinson Raven I helicopter which was previously owned by Mr. Arroyo can conformed with the specification set by Napolcom,” ayon kay Drilon.

Sa ilalim ng Napolcom specification, dapat may cruising speed ang helicopter na 100 knots maximum, 365 miles maximum range at 14,000 feet cruising height.

“What we are saying that the specifications is tailored fit for the helicopters of Mike Arroyo,” ani Drilon.

Maliban kina Puno at Razon ay hiniling din ni Drilon ang pag-imbita kina Siria Salidad Briones at Miguel Coronel ng Napolom.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply