Puno, Verzosa ikukulong din sa Senado

POSIBLE ring makulong  sa  Senado  sina  dating  Interior and Local Government (DILG) Secretary  Ronaldo Puno  at dating  PNP  chief  Jesus  Versoza  tulad ng sinapit ng dating bookkeeper ng mga Arroyo na si Rowena del Rosario.

Ito ang babala  ni Sen. Antonio  Trillanes  sa  dalawang  dating  opisyal  kung  hindi  pa  rin  magsasabi  ng  katotohanan  sa  susunod  na pagdinig  ng  Senate  blue  ribbon  committee  sa  PNP chopper  controversy.

Malakas  umano  ang  paniniwala  ni  Trillanes  na  sina  Puno  at  Versoza  ang  direktang  tumanggap  ng  kautusan  mula  kay dating First Gentleman  Jose Miguel Arroyo  para  maibenta  ang  kanyang  mga  gastadong  helikopter  sa  PNP  sa  presyong  brand new.

Giit  pa ni  Trillanes, ang  dalawang  dating  opisyal  ang  most  guilty  sa  usapin  kaya’t  umaasa  siyang  magisa  niya  ang  mga  ito  sa  susunod  na  pagdinig  sa  Lunes.

Diin  ni Trillanes,  hindi  siya mangingiming  hilingin  sa  komite  at  sa kapwa  niya  mga senador  na  isailalim sa  kustodiya  ng  Senado  si  Versoza  at  Puno  kung  patuloy  pa  ring  igigiit   na  wala  silang  kinalaman  sa  maanomalyang  transakyon  ng  PNP  sa  kontrobersyal  na  helicopter.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply