Kelot natuluyan sa ika-4 na pagpapakamatay

TUMALON ng tatlong beses sa Manila Bay ang isang radio operator ng isang kumpanya ng barko at tatlong beses ding nasagip ng Coast Guard subalit sa ika-apat na pagkakataon ay tumalon muli ito at patay na nang lumutang.

Kinilala ang biktima na si Alexander Geagoma, 38, empleyado ng Sulpicio Lines na nakabase sa North Harbor sa Tondo, Maynila.

Ayon kay SPO2 Virgo Villareal ng MPD Homicide Section, unang tumalon ang biktima sa dagat dakong alas-3:00 ng umaga mula sa isang tugboat sa North Harbor sa Pier 10.

Humangos umano ang mga security guards sa lugar para sagipin subalit pagkaahon sa biktima sa tugboat ay tumakbo ito sa kabilang bahagi ng tugboat at muling tumalon patungo sa tubig kung saan sinagip muli ang biktima.

Sa ikatlong pagkakataon ay muling tumalon si Geagoma at muling nasagip.

Makaraan ng ikatlong pagsagip ay minabuti ng mga kasamahan nito sa trabaho na balutiin na ang biktima at pinapangako na hindi na uulitin ang ginawa. Nangako naman umano ang biktima kayat pinakawalan na ito at naglakad na palayo.

Buong akala ng mga kasamahan ni Geagoma na babalik na ito sa opisina ng Sulpicio subalit pumunta lamang ito sa isa pang barge na MV Palawan at mula doo’y muling tumalon sa tubig.

Sasagipin sanang muli ang biktima subalit ‘di na ito nakita at naglaho na lamang sa madilim na tubig. Makaraan ang ilang oras ay lumutang ang katawan nito na wala ng buhay. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply