Pusher dakip, 5 pa sabit

DAKIP ang isang pusher habang isinama rin ang limang katao na inabutang sumisinghot ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas kaninang madaling araw (Huwebes,Agosto 25).

Nakilala ang nadakip na pusher na si Joey Francisco, nasa hustong gulang habang pot session naman ang kaso nina Irma Hilario; Melvin Luciano; Ronald Hulleza at magkapatid na Raquel at Ruel Manlugin pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Bicol Area, Tanza ng lungsod.

Nabatid na dakong alas-3 ng madaling araw, nagsagawa ng buy operation ang mga pulis sa Bicol Area dahil sa tip na nagbebenta ng shabu si Francisco.

Isa sa mga pulis ang umaktong bibili ng shabu at nang iabot na ni Francisco ang isang sachet ng shabu kapalit ng P500 ay agad na dinampot ito.

Nang kapkapan si Francisco ay nakuha pa dito ang isang sachet ng shabu at nang pasukin ng mga pulis ang nilabasang bahay ng una sa nasabing lugar ay inabutan ang lima na humihitit ng shabu dahilan upang damputin sila at isama sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply