QC hospitals pinalalagyan na ng Dengue Express Lanes

INATASAN ngayon ng Department of Health ang lahat ng pagamutan sa Quezon City na maglagay na ng Dengue Express Lanes.

Ayon kay Dr. Eric Tayag ng National Epidemiology Center ng DOH, ang kautusan ay kasunod nang pagpalo sa 2, 574 na kaso ng dengue sa Quezon City sa unang pitong buwan ng taong ito.

Triple aniya ang bilang na ito kumpara sa naitalang dengue cases sa lungsod mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito.

Idineklara ng dengue hotspots ang barangay Fairview at Payatas sa lungsod.

Kasabay nito, nagbabala ang DOH sa posibleng pagtaas pa ng kaso ng dengue sa buong bansa sa susunod na buwan.

Sa ngayon, ipinabatid ni Dr.Tayag na pumapalo na sa halos 40,000 kaso ng dengue sa buong bansa ang naitatala hanggang nitong nakalipas na Hulyo 23.

Sinabi ni Tayag na ang Metro Manila pa rin ang may pinakamataas na kaso ng dengue partikular ang Quezon City.

Bukod sa brgy. Fairview at Payatas sa Quezon City idineklara na ring dengue hotspots ang Mabini sa Pangasinan, Sto Domingo sa Ilocos Sur at La Trinidad sa Benguet.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply