QCPD headquarters ginagawang motel

KAYA naman pala lahat ng kamalasan ay inaabot ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) dahil ginagawa palang  motel ng isang  mataas na opisyal ang isa sa mga tanggapan ng QCPD Headquater sa Kampo Karingal. Ito ang usap-usapan ngayon sa apat na sulok ng Kampo Karingal kung kaya nag- imbestiga ang inyong lingkod at doon ay ating nakumpirma na  totoo pala  ang bulung-bulungan na iyon.

Ang nasabing tanggapan ay nasa main  bldg. ng QCPD Head-quarter kung saan nag-oopisina ang mga matataas na opisyal ng command.

Ayon sa ating mga source sa loob ng Kampo Karingal, dumarating umano ang chika babes ng isang mataas na opisyal ng QCPD sa bandang hapon at ito ay tuloy-tuloy na sa tanggapan ng opisyal. At kapag nasa loob na ang chikababes ni Sir ay wala nang puwedeng mang istorbo pa rito at kapag may nagtatanong kung andiyan si Sir, natural, ang kasabwat na sekretarya ay sasabihing wala, lumabas, nag-inspeksyon at kung ano-ano pang dahilan ang sinasabi.

Pero sa totoo lang ay nan-doon si Sir sa loob ng kanyang private room kasama ang kanyang chikababes, na ayon sa ilang staff ng opisyal ay nagro-rosaryo raw ang dalawa.

Maging ang ipinatayong quarters ng mga pulis sa may likurang bahagi ng Kampo Karingal ay ginagawa ring motel ng ilan sa ating kapulisan. Biruin mo namang ilan sa mga unit dito ay nagiging pahingahan lang ng mga pulis kasama ang kanilang  “chikababes” at ang ilan naman ay  ginawang tirahan ng kanilang mga kabit.

Ang daming pulis-QC na malalayo ang bahay, bakit hindi  sila  ang ginawang priority  na mabigyan ng unit sa nasabing quarter lalo na ang mga nasa mobile unit na 12 oras ang duty? Biruin mo namang magdu-duty ng alas 6:00 ng gabi hanggang alas 6:00 ng umaga pagkatapos ay uuwi pa ng Cavite o Bulacan tapos babalik uli ng Kampo Karingal bago mag-alas 6:00 ng gabi.

Samantalang yung mga nabigyan ng unit ay sa Metro Manila lang nakatira at ang iba ay hindi pa tunay na pamilya ang mga nakatira at ang iba naman ay ginawa na lang na motel o parausan ang kanilang mga unit.

QCPD Director, Chief Supt. George Regis, alam kong alam mo kung alam mo rin na ginagawang motel ang isang tanggapan diyan sa headquarter at  ang ilang unit ng  mga quarter ng ating kapulisan pero bakit  ayaw mong umaksiyon?

Hindi mo ba naiisip, Gen. Regis, na posibleng ito ang nagdadala ng sunod-sunod na kamalasan sa QCPD?

Aba eh kung hindi niyo kayang pigilan ang iyong mga tauhan na gawing motel ang kanilang tanggapan at mga unit  ay gawin niyo na lang kaya na QCPD motel ang  Kampo Karingal tutal wala namang motel sa Quezon City?

OK po ba, Gen. Regis, ang suggestion na yan?

Ito ay tungkol pa rin sa ikagaganda ng takbo ng QCPD kung saan ay mayroong suggestion ang ilan nating kapulisan na kung maaari ay ilagay na sa ilalim ng District Public Safety Battallion sa pamumuno ni Sr. Supt. Gerry Ratuita, ang mobile patrol unit para mapakinabangan dahil nakatengga lang daw sa parking area ng mobile unit ang mga sasakyan.

* * * * *

ISA nating kasamahan sa  hanapbuhay ang lumapit sa Lily’s Files para humingi ng tulong kaugnay sa isang Visa Assistance dahil kalahati lang daw ng kanilang naibigay na pera ang gustong ibalik sa kanila gayung  hindi pa naman daw nasisimulan ang proseso ng mga papel.

Ang KANATA Int’l Visa  Assistance na may tanggapan sa 10-A Jaka Bldg. 6870 Ayala Avenue, Makati City ay nanghingi raw ng halagang P40,000 para mapadali ang US Visa ng asawa ng ating kasamahan sa hanapbuhay.

Hindi pa man nasisimulan ang pagproseso ng papel ay nagkasakit nang malubha ang anak nito at naka-ICU sa MCU Hospital.

Dahil kailangan ang pera ay nagpasya ang mag-asawa na huwag na lang ituloy ang pagproseso ng Visa at sa halip ay  nakiusap sila na bawiin na lang ang naibigay na pera. Pumayag naman ang  visa assistance ngunit kalahati lang ang kanilang ibabalik at gagawin pa itong tseke.

Ano ba yan? Sa halip na makatulong sa tao ay lalo pa yatang ibinaon ng Kanata Int’l. Visa Assistance ang mag-asawa at bakit naman kalahati lang ang kailangang ibalik kung wala pa namang  nagagastos ang visa assistance?

Sinasabing magaling daw ang visa assistance na ito ngunit mas lamang daw ang mga palihim na transaksiyon nito na kung sakaling matutuklasan  ng US Embassy  ay posibleng hindi na ito  payagang makapaglakad pa ng US visa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply