Rachelle Ann Go deadma kay John Prats!

INAMIN ni Rachelle Ann Go na si John Prats ang nakipag-break sa kanya at nalaman pa niya ito sa TV lang nang mapanood niya si Toni Gonzaga sa “The Buzz” announcing John’s break-up with her. Hanggang ngayon ay hindi pa raw sila nagkikita at nagkakausap nang personal ni John since their break-up. May effort daw si John na kontakin siya para kausapin pero ayaw na niyang makipagkita dito dahil the damage has been done.

Lumabas na si Bianca Manalo ang latest na nililigawan ni Prats pero no comment na lang si Rachelle dito. Hindi niya alam kung third party ba ang dahilan kung bakit nakipagkalas si John sa kanya.

At any rate, naka-move on na si Rachelle ngayon at kasalukuyan siyang busy sa pagpo-promote ng kanyang latest album under Viva Records aptly titled Unbreakable. It has 14 songs at kasama na rito ang first composition niya na Whispered Fear, an inspirational song. Bonus track ito ang Part Of Your World na kanta sa The Little Mermaid, her debut in musical theatre.

Naglabas din ng kanilang albums ang mga co-Viva artists niyang sina Mark Bautista (Nagmamahal), Jay Perillo (self-titled debut album) and 15 year old Yssa (Addicted To Acoustic 3) na anak ni Almira Muhlach at Bong Alvarez.

***

TWEEN Academy: Class of 2012 is definitely the Kilig Movie of the Year! The storyline is not original. Student (Elmo Magalona) falls in love with his hot teacher (Sam Pinto). Girl (Bea Binene) is secretly in love with her bestfriend (Jake Vargas). Cyber chatmates (Barbie Forteza & Joshua Dionisio) pretending to be someone else when they met face to face. But the fans couldn’t care less. Ang importante sa kanila ay mapanood nila ang kanilang mga paboritong loveteams sa isang movie and they weren’t disappointed kasi hitik ng mga kilig eksena ang pelikula. Maski kami ay hindi napigilan na ngumiti at gunitain ang highschool days namin.

Bigla naming naging paborito si Alden Richards who is definitely the handsomest of the lot sa movie. Nanghinayang naman kami kay Derrick Monasterio, kasi among the leads ay siya ang may pinakakonting exposure kasi wala siyang sariling storyline. Siya pa naman ay may pinakamaraming fans na dumating sa pemiere night sa SM Megamall kung ibabase sa dami ng malalaking streamers niya na nagkalat sa loob ng Cinema9.

Sanay na sanay na si Direk Mark Reyes sa paggawa ng mga ganitong teen movies. After all kahit noon pa ay ito na talaga ang forte niya since TGIS days pa. Aba, siya rin ang director ng Bagets ng Viva at TV5 kaya naman hindi na kami magtataka kung magkakaroon din ng movie version ang Bagets series!

Ibinalita na rin ni Direk Mark na on the works na ang bagong TV series at follow-up movie ng Tween cast. Kaya naman buhay na buhay na naman ang fans!

***

ABA, hindi lang pala si Christian Bautista ang nagme-make waves ngayon sa Indone- sia. Pati si Gwen Zamora ng GMA Artist Center ay nakagawa na rin ng pelikula sa Indonesia titled The Witness na isang suspense-thriller. Si Gwen mismo ang pinili ng mga Indonesian producers nang bumisita sila dito earlier dito sa Pinas.

June 27 tumulak si Gwen papuntang Indonesia para gawin ang pelikula at nakabalik siya ng Pilipinas noong August 12. Isang napakagandang experience raw para sa kanya ang nakagawa ng pelikula sa isang banyagang bansa. Hindi naman daw siya nahirapan na makaintindi ng Bahasa kasi halos nagkakapareho naman ang lengguwahe nila sa Tagalog.

Don’t expect daw any sexy scenes or kissing scenes in the movie kasi isang Muslim country ang Indonesia. Kaya naman very careful daw ang director ng movie na hindi siya magpakita ng cleavage or legs sa pelikula.

We can’t wait to see The Witness when it hits the theatres this year. Sana ay mai-cast din si Gwen sa isang local movie. Ipinakilala siya rati sa Enteng Kabisote ni Vic Sotto. She’s also a regular cast in Bubble Gang along with Sam Pinto.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply