Rachelle Ann Go ibinibitin ang nagiging boyfriend kaya iniiwanan

HINDI nagtatagal ang nagiging boyfriend ni Rachelle Ann Go at ang masakit pa nito, siya ang iniiwanan ng lalaki.

Una niyang naging boyfriend si Christian Bautista na tumagal ng three years ang kanilang relasyon pero nauwi rin sa hiwalayan.

Ikalawang boyfriend niya ay si Gab Valenciano na almost a year lang ang itinagal at ikatlo nga si John Prats, na seven months lang ang itinagal.

Sa tatlo ay mas nasaktan raw siya kay Christian pero wala siyang magawa dahil lalaki ang kumalas.

Pero pinagdiinan ni Rachelle na madali lang siyang makalimot dahil ipinauubaya niya kay Lord ang lahat ng nangyayari sa buhay niya.

“Life must go on. Yes, masakit na iiwanan ka ng lalaki pero hindi ka dapat mawalan ng loob at magmukmok sa bahay. Hindi naman katapusan ng mundo mawalan ka ng boy friend,” paliwanag ni Rachelle Ann.

Sa isyu naman ini-link siya kay Cesar Montano, nagdamdam ba siya or tinawanan lang niya ang naglabasang mga tsika?

“Nagulat ako at hindi makapaniwala. Saan nanggaling yun? Parang tatay ko na siya (Cesar Montano). Nakaka-offend kasi hindi maganda ma-link ka sa isang halos ama mo na lang,” say ni Rachelle Ann.

Magkasama sila ni Cesar (Montano) sa isang show sa Singapore. Nagkaroon sila ng duet at love song pa ang kanilang kinanta kaya sweet ang dating nang kumakanta sila. Baka raw binigyan yun ng malisya.

Anyway sa launching ng album niyang Unbreakable ay biglang may nagtanong kay Rachelle kung “unbreakable” ba siya?

Kaagad na sagot niya na walang malisya: “Oh! Yes,”

***

MASAYA si Dingdong Dantes dahil maganda ang resulta sa rating ng kanyang “Spooky Nights: Da Mami”at ngayon (Sabado, Agosto 20) ay kasama at lalabas na mother niya si Chanda Romero sa episode na Return of the Mommy.

Kahit hindi kasama ni Dingdong ang kanyang girlfriend sa Spooky Nights: Presents ay solido naman ang ibinibigay na suporta sa kanya ng mga taong nagmamahal sa tambalan nilang dalawa.

Kaya naman ngayon pa lang ay positibo na ang pakiramdam ni Dingdong sa isa pa niyang programa na The Protégé with Ogie Alcasid na kung saan ipakikita naman niya ang kakayahan in TV hosting.

***

KASABAY ng launching ng Unbreakable album ni Rochelle Anne Go ang album din ni Mark Baustita titled Nagmamahal under Viva Records.

Pinagdiinan ni Mark na hindi siya nagsisisi sa ginawang paglipat sa Siyete dahil naging maganda naman ang exposure at pangangalagang ginagawa sa kanya ng Kapuso Network.

Magmula nga raw ng lumipat siya ng network, dumami ang raket niya at may bago pa siyang album na iri-release.

Pero pahabol ni Mark, maganda rin ang ipinakita sa kanya ng dating TV network na pinanggalingan. So happen na kailangan niyang mag-move on para sa kanyang singing career.

Loveless pa rin raw siya hanggang ngayon at walang balak manligaw matapos na mapigilan ang panliligaw niya kay Sarah Geronimo.

So tanggap na niyang wala siyang pag-asa kay Sarah?

Natawa at gustong humalakhak ng katabi naming reporter sa naging tugon ni Mark na tanggap at wala na siyang pag-asa kay Sarah.

Sabi kasi ni Mark: “Doon na siya sa nanay niya!”

Pero biglang habol na nagbibiro lang daw siya dahil napansin yata ni Mark nakangiti ang ilang reporters na nasa harapan niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply