Radio program nalilibre na kumikita pa dahil sa Palasyo

ANO ba naman itong bagong balita na ating natanggap na isang tumatakbong radio program ang kasalukuyang nalilibre sa isa sa radio station ng gobyerno.

Ang nakalulungkot, gamit ang pasilidad ng pamahalaan na kung saan kaban at pera ng taong bayan ang nagpapatakbo subalit ang programang ito ay malayang kumikita dahil sa kanilang sponsor at ads na nakukuha.

Sa impormasyong nakalap ng matang kuwago ng Remate, mayroong kapit o mismong taga-Palasyo o as in bata ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ang kapit ng mga ito kung kaya’t naging malakas ito sa istasyon ng pamahalaan.

Bukod dito, hindi lang daw may padrino o kapit ang naturang opisyal ng pamahalaan kundi siya mismo ay bahagi ng naturang programa subalit hindi mo mababatid sapagkat iba ang anchorman at hindi siya ang nakikipag-deal subalit kung minsan siya ang nagrerekomenda ng mai-interview at sponsor. He he he.

Halos magulat na ang isa sa mga kaibigan at kasamahan sa media ni matang kuwago dahil sa biglaang pagkakaroon ng slot ng naturang programa sa istasyon ng gobyerno.

Hindi tuloy maialis sa isipan ng ating mga kaibigan kung saan kumuha ng pambayad kada ere ang naturang programa.

Nagsimula kasi ang naturang programa sa isang istasyong taga-Mindanao ang may-ari at nalipat ito sa isang istasyon ng isang pastor.

Ang dahilan daw ng pagkakalipat ng programa ay napansin ng may-ari ng radio station na tila nagagamit ang kanilang istasyon sa pulitika na lubhang hindi maganda sa imahe ng istasyon.

Ang naturang radio programa ay nabuo sa isang konsepto ng dating magkakaibigang reporter subalit ngayon ay nagkawatak-watak na sila ng dahil lang sa usapin o isyu ng pera.

Iba talaga ang nagagawa ng pera kahit ang pagkakaibigan kayang ipagpalit nito. (Itutuloy)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply