Rain, flood alert sa NCR inilabas ng PAGASA

DAHIL sa inaasahang matinding pagbuhos ng ulan na tatagal pa hanggang sa susunod na mga araw, naglabas na ang PAGASA ng kanilang rain rate at flood alert sa Metro Manila.

Layunin aniya nito ay  mabigyan ng babala ang mga residente na naninirahan sa mabababang lugar at mga nasa tabi ng mga istrakturang maaaring bumagsak dahil sa paglambot ng lupa.

Ayon kay Department of Science and Technology  Usec. Graciano Yumul, ang babalang ito ay kanilang regular na ilalabas tuwing magakakaron ng abnormalidad ng pag-ulan.

Inihayag din nitong hindi epekto ng bagyong Kabayan na namataan ngayon sa 1,120 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes ang malakas na pagbuhos ng ulan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply