Rain Or Shine sisinghap-singhap pa

MALIIT man ang tsansa, kailangan ng Rain Or Shine na talunin ang Ginebra Gin Kings Biyernes ng gabi upang manatiling buhay ang hangad na makalaro sa Finals ng nagaganap na PBA Governors’ Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Tangan ng Elasto Painters ang 6-6 win loss slate matapos silang mabigo Miyerkules ng gabi laban sa Alaska 89-95 kaya naman nasa “must win situation ngayon ang RoS para matupad ang kanilang matagal na minimithing makalaro sa finals showdown.

Magkasalo sa second spot ang Aces at Gin Kings na may tig-8-5 panalo-talo karta kaya sila ang malaki ang pag-asang makalaro sa finals kontra sa sigurado ng pasok na Talk N’ Text Tropang Texters.

Buhay na buhay naman ang pag-asa ng Petron Blaze Boosters na naghahangad ding makalaro sa finals ng talunin nila ang talsik ng B-Meg, 97-92.

Nanguna sa opensa ng Boosters si Anthony Grundy na may 29 puntos habang sina Arwind Santos at Sunday Salvacion ay kumana ng 22 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod.

Makakalaban ng Boosters ang Talk N’ Text na umalagwa sa team standing na may 9-3 slate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply