Ramadan nagsimula na

SINIMULAN na ngayon (Lunes, Agosto 1) ang banal na  pangingilin kaugnay sa pag-obserba sa buwan ng Ramadan para mga mananampalataya ng Islam.

Ayon kay Ustadz Abubakar Abdullah ng Missionay of Muslim Word League of the Philippines na nakabase sa Saudi Arabia at pangulo ng Al Aklia Foundation Inc., ang pag-aayuno ng mga Muslim ay obligasyon dahil ito ang pang-apat sa limang haligi ng Islam na dapat sundin  ng bawat Muslim na nasa tamang edad na.

Samantalang ang mga matatanda na edad 60 pataas at hindi na kayang mag-ayuno ay hindi na obligado, ngunit kailangan  nitong magbigay ng  pagkain sa taong nag-aayuno o ang tinatawag na Pedia na siya nitong kakainin sa Sol sa madaling araw at Iftal pagsapit ng takip silim.   Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply